home

Sino si Mebuyan 1 :: Awit ng Dalawang Ina :: Awit ni Rosario ::
Sino si Mebuyan 2 :: Ritwal sa Pagpanaw :: Hinagpis ni Mebuyan ::
Paglalakbay :: Awit ni Delia :: Kalinga ::
Halad :: Kamatayan :: Halaga ng Buhay :: Huling Landas ::
Kababaihan Makapangyarihan :: Isang Buhay ::

SINO SI MEBUYAN I
lyrics: Geejay Arriola
music: Geejay Arriola

Diwata siya sa ilalum sa yuta
Inahan siya nga nag-amuma
Sa mga mipanaw ning kalibutan

Gisumpa niya nga maghimo'g kabag-uhan
Momugna og gingharian
Mangibabaw katarungan
Padulong sa kalinaw

Ug sa iyang malinawong gingharian
Ang mga kalag malipayong naghulat
Sa dalan sa Gimokudan

Mebuyan, imong sabakan
tinubdan sa kinaiyahan

< top >

AWIT NG DALAWANG INA
lyrics: Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

De yin de yin de yin de
Yayayinde yayayinde yayayinde
Yayayinde

Binubulong ng hangin
Awit ng dalawang ina
Awit na kay panglaw
Dahil silay mawawalay
Sa mga mahal nila sa buhay

Nagmamasid ang langit
Sa kimkim nilang hinagpis
Pag-iwan sa kanilang mga supling
Tumatahak sa landas na walang katiyakan
Tanging gabay ay pag-asa
Katumbas ay lungkot
At pag-aalinlangan
Katiyakan ng liwanag

< top >

AWIT NI ROSARIO
lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

Tahimik na batis, kay linaw at tamis
Sinasalamin ang lawak ng langit
O hanging kay lamig yakap mo'y may himig
Mga dahong nagsasayaw pinapawi aking lumbay

Yakapin mo hangin
Iduyan mo ang aking puso
Ibong anong sigla
Tanda ng aking paglaya

Siyam na taon sa kulungan
Ng mga yakap na mahigpit
Yakap na kay lupit yakap na kay sakit
Kaya ko naman daw siyang pasanin
Kaya ko naman daw siyang buhayin
Kaya, kaya, kaya nga ba?

Halik ng kanyang kamao
Ang sa aki'y sumasalubong
Galit niya sa mundo
Sa aking pagkakababae ibinabaon

(Kaya ko naman daw siyang pasanin
Kaya ko naman daw siyang buhayin
Kaya, kaya, kaya nga ba?)

Tahimik na batis, kay linaw at tamis
Sinasalamin ang lawak ng langit
(Malinaw nga sapa, imong madunggan
Kining kasingkasing nakong nagdugo)

O hanging kay lamig yakap mo'y may himig
Mga dahong nagsasayaw pinapawi aking lumbay
(Pagkasakit mupanaw
Hilak sa akong anak luha sa kalangitan)

Yakapin mo, hangin (Gaksa, hangin)
Iduyan mo (Ang kabug-at sa akong dughan) ang aking puso
Ibong anong sigla (Mga gabon, wagtanga ang)
Tanda ng aking paglaya (Umaabot nga katalagman)

< top >

SINO SI MEBUYAN 2
lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

Diwata siya na kapatid ni Lumabet
Ang makapangyarihang Hari ng Langit
Subalit siya'y nakaramdam ng galit
Dahil siya'y inaaliping pilit

Kung kaya't si Mebuyan
Kay Lumabet ay lumaban
Sinabihang siya'y lilikas
At sa kanyang sariling lakas
Lilikha ng kaharian
Sa ilalim ng lupa

At habang siya'y umiikot
Patungo sa pusod ng mundo
Pinahulog ang mga dahon
Mula sa isang malaking puno
Bawat dahon na malagas
At kandila na hihipan
Isang palatandaang
May maglalakbay sa kabilang buhay

< top >

RITWAL SA PAGPANAW
lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

Gihatagan ko ni Manama gahum nga makakita
Gahum nga makadungog sa ibabaw ug sa ilalum sa yuta
Ayayayay

Sama karon duna koy madunggan
Usa ka kalag sa gingharian ni Mebuyan
Usa ka kalag nga dili mahimutang
Usa ka kalag nga mura na'g mabuang
Ayayayay

Dunay mga pangalan nga akong madunggan
Shhhh...Ahhhh..
Ayayayay

< top >

HINAGPIS NI MEBUYAN
lyrics: Malou Tiangco
music: Geejay Arriola, Gauss Obenza

Karugtong ng aking pusod
Ba't mo ako alipinin
'Ramdam ko'y di tama
Di kayang tanggapin

Ano ano ano ano ano ano ano ano
Ano ang nagbugso
Ano ano ano ano ano ano ano ano
Sa iyong palalong hangad

Di ko mapapayagan
Di dapat matupad
Masakit man sa puso ko
Aking hadlangan

Ano ano ano ano ano ano ano ano
Ano ang nagbugso
Ano ano ano ano ano ano ano ano
Sa iyong palalong hangad

Ako'y may diwa't damdamin dapat pagyamanin
Di ko maunawaan, di ako kalaban
Hangad na kapangyarihan mo'y di balak sapawan
Diwa ko'y payak, puso ay busilak

Karugtong ng aking pusod
Sana ikaw ay magising
Palalong mong hangad
Ay dapat lagutin

Paalam na, paalam na, paalam na, paalam na
Mahal kong kapatid
Ako'y tutungo, tutungo, tutungo
Sa ibang daigdig

Magiging tagapabatid sa kaluluwang di mapinid
Ako'y kanilang tagamasid
Nasasaktan ay hihilumin, katarungan lilinawin
Bago umusad tungong langit
Paalam mahal kong kapatid

Paalam na, paalam na, paalam na, paalam na
Mahal kong kapatid
Ako'y tutungo, tutungo, tutungo
Sa ibang daigdig

< top >

PAGLALAKBAY
lyrics: Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

Tanggapin mo, tanggapin mo
Tanggapin nating lahat
Ang buhay ay paglalakbay
Walang tigil ang hakbang

Bawat patak ng dugo
Bagong pulso
Hinto ng pintig ng puso
Bagong pulso

Dawata, Dawata
Dawaton natong tanan
Kinabuhi pagpanaw
Hataas ang dalan

Ganon pa man ang ulirat
Kailan man di maaampat
Tuloy ang paglalakbay-
Isang sulyap
Sa isang buhay

Dawata, Dawata
Dawaton natong tanan
Kinabuhi pagpanaw
Hataas ang dalan

Tanggapin mo, tanggapin mo
Tanggapin nating lahat
Ang buhay ay paglalakbay—

< top >

KALINGA
lyrics: Malou Tiangco, Geejay Arriola
music: Geejay Arriola

Anak kaya, o kapatid
Ako ngayo'y sa iyong panig
Pakawalan bigat ng dibdib
Ibuhos mo ang iyong hinagpis

O hilom hilom hilom hilom hilom na

Ako ngayo'y sa iyong panig
Tayo ngayo'y isang bigkis
Iyong iparinig
Diwa mo'y ipahiwatig

O hilom hilom hilom hilom hilom na

Ang puso ko ay umaawit ng isang himig
Sumasabay sa kumpas ng iyong dibdib
Iyong mga iyak ay aking naririnig
Tahan na, tahan na, tahan na

Hehehe huhuhu hehehehe hehehehe
hehe hu hehe hu hehe hu

< top >

AWIT NI DELIA
lyrics: Geejay Arriola
music: Gauss Obenza

Ang akong kinabuhi
Daklit lamang nga naglugti
Amahan sa akong mga anak
Maoy tinubdan sa kasakit
Kay siya daw ang tag-iya
Sa akong lawas ug kalag
Dili ko mulaban
Kay walay kapuslanan

Sa kahadlok nga mawad-an kog kaseguruhan
Giantos ang kasakit, bana giludhan
Ulipon sa panimalay, dili musalikway
Silbi sa kababainhan

Asawa permeng daugdaugon
Ang bana lang dunay katungod
Wala koy kusog nga siya pakigbisogan

Apan dili, dili sakto
Nga yatak-yatakan ang atong dungog
Magpakahilom na lamang
Pakigbisog likayan
Pasayloa ko, anak ko

< top >

HALAD
lyrics: Geejay Arriola
music: Gauss Obenza, Geejay Arriola

Pagkatam-is sa kaniadto
Sa mga sayaw, sa mga awit
Sa mga huni sa kagabhion
Sa mga hagikgik sa kabuntagon

Tam-is ang kamatayon
Kung kini gihalad
Sa adlaw, sa bulan
Sa bituon ug sa kalangitan

Anaa sa kayutaan ang kaugmaran
Sa paglihok ang kadaugan
Ang kaugmaon anaa sa baruganan

Tam-is ang kamatayon
Kung kini gihalad
Sa adlaw, sa bulan
Sa bituon ug sa kalangitan

< top >

KAMATAYAN
music and lyrics: Geejay Arriola

Parang kamatayan ang paglisan
Sa maraming taong nakasanayan
Pero ano nga ba ang mas mabigat
Ang mabuhay na parang patay
O ang mamatay para mabuhay

Malayo man o malapit
May pag-asang sumisilip
Bawat araw, may gabi
Bawat luha may ngiti

Ang kandila ng buhay
Pag hinipan, mamamatay
Humimlay ka sa dilim
Pagka't may araw pang darating

< top >

HALAGA NG BUHAY
lyrics: Malou Tiangco
music: Geejay Arriola

Ano nga ba ang halaga
Ano nga ba ang kahulugan
Ng buhay natin ngayon
Ito ba ay may tali
Umiikot na may kirot
Ito ba'y maluwag
Na me dulot na haplos

Malaya ba o sinisiil
Malumbay o masaya
Ano nga ba, ano nga ba, ano nga ba
Ang halaga ng ating buhay ngayon

May pintig nga ang iyong puso
Manhid naman ang ulirat
O mata'y di na kumukurap
Pero diwa'y buhay na buhay
Buhay na buhay

< top >

HULING LANDAS
music and lyrics: Geejay Arriola

Sa ating paglalakbay meron tayong kaakbay
Kasama sa daan, daan, daan, daan, daan
Aaaaay!Ay!

Merong kaibigan, may magulang, may abyan
May kapatid at may anak, may pamangkin at may asawa
Aaaaay! Ay!

Huwag matakot, huwag matakot
Huwag kabahan, huwag kabahan
Inyong kasama sa daan
Ay buong daigdigan

Huwag matakot, huwag matakot
Huwag kabahan, huwag kabahan
Inyong kasama sa daan
Kaming lahat at si Mebuyan

Patungo, patungo, patungo-aaaaay!
Sa gimokudan
Huling landas ng mahabang paglalakbay

Aaaay!!!

< top >

KABABAIHAN MAKAPANGYARIHAN
collectively written by Mebuyan Peace Project
with main lyrics by Geejay Arriola, and main music by Bayang Barrios
(a product of a music-writing workshop facilitated by Gary Granada
and organized by the Mindanao Commission for Women)

Kababaihan ay makapangyarihan
Baguhin ang lipunan
'Sang tinig ang kailangan
Sa pagbabago ng ating kasaysayan
Ako'y may kapangyarihang pandayin ang bukas

Sa hilaga at silangan, kanluran, katimugan
Milyong lakas at tinig pinagtibay ng kapatiran
Kumilos na ngayon ang bukas ay di na maghihintay
Katarungan, kalayaan, pagkakapantay-pantay

Ang pagbabago ay aking sinimulan
Isang hakbang ng paninindigan
Harapin ang bukas nang may pagpapasya
Kababaihan makapangyarihan

< top >

ISANG BUHAY
music and lyrics by Geejay Arriola

Salubungin ang sikat ng araw
Yakapin ang sinag ng buwan
Humimlay sa liwanag ng bituin
At mangarap sa himig at duyan ng buhay

Magkaiba man ang ating paniniwala
Magkaiba man ang ating mga landas
Isang hininga ang pinanggalingan
Isang buhay ang babalikan

At sa bawat landas na tinatahak
Sa bawat pangarap na niyayakap
Himig at diwa ng kanununuan
Gabay sa patutunguhan

Tayo'y anak ng bituin
Tayo'y anak ng langit
Tayo'y anak ng araw at lupa
Tayo ay magkaisang buhay

< top >

 
about us the goddess the women theatre music download lyrics photos reviews shows contact links dreambook