• Sino si Mebuyan 1 :: Awit ng Dalawang Ina :: Awit ni Rosario ::
    Sino si Mebuyan 2 :: Ritwal sa Pagpanaw :: Hinagpis ni Mebuyan ::
    Paglalakbay :: Kalinga :: Awit ni Delia ::
    Halad :: Kamatayan :: Halaga ng Buhay :: Huling Landas

    SINO SI MEBUYAN I
    music and lyrics by Geejay Arriola

    Diwata siya sa ilalum sa yuta
    Inahan siya nga nag-amuma
    Sa mga mipanaw ning kalibutan

    Gisumpa niya nga maghimo’g kabag-uhan
    Momugna og gingharian
    Mangibabaw katarungan
    Padulong sa kalinaw

    Ug sa iyang malinawong gingharian
    Ang mga kalag malipayong naghulat
    Sa dalan sa Gimokudan

    Mebuyan, imong sabakan
    Tinubdan sa kinaiyahan

    back to top

    AWIT NG DALAWANG INA
    lyrics: Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    De yin de yin de yin de
    Yayayinde yayayinde yayayinde
    Yayayinde

    Binubulong ng hangin
    Awit ng dalawang ina
    Awit na kay panglaw
    Dahil silay mawawalay
    Sa mga mahal nila sa buhay

    Nagmamasid ang langit
    Sa kimkim nilang hinagpis
    Pag-iwan sa kanilang mga supling
    Tumatahak sa landas na walang katiyakan
    Tanging gabay ay pag-asa
    Katumbas ay lungkot
    At pag-aalinlangan
    Katiyakan ng liwanag

    back to top

    AWIT NI ROSARIO
    lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    Tahimik na batis, kay linaw at tamis
    Sinasalamin ang lawak ng langit
    O hanging kay lamig yakap mo’y may himig
    Mga dahong nagsasayaw pinapawi aking lumbay

    Yakapin mo hangin
    Iduyan mo ang aking puso
    Ibong anong sigla
    Tanda ng aking paglaya

    Siyam na taon sa kulungan
    Ng mga yakap na mahigpit
    Yakap na kay lupit yakap na kay sakit
    Kaya ko naman daw siyang pasanin
    Kaya ko naman daw siyang buhayin
    Kaya, kaya, kaya nga ba?

    Halik ng kanyang kamao
    Ang sa aki’y sumasalubong
    Galit niya sa mundo
    Sa aking pagkakababae ibinabaon

    (Kaya ko naman daw siyang pasanin
    Kaya ko naman daw siyang buhayin
    Kaya, kaya, kaya nga ba?)

    Tahimik na batis, kay linaw at tamis
    Sinasalamin ang lawak ng langit
    (Malinaw nga sapa, imong madunggan
    Kining kasingkasing nakong nagdugo)

    O hanging kay lamig yakap mo’y may himig
    Mga dahong nagsasayaw pinapawi aking lumbay
    (Pagkasakit mupanaw
    Hilak sa akong anak luha sa kalangitan)

    Yakapin mo, hangin (Gaksa, hangin)
    Iduyan mo (Ang kabug-at sa akong dughan) ang aking puso
    Ibong anong sigla (Mga gabon, wagtanga ang)
    Tanda ng aking paglaya (Umaabot nga katalagman)

    back to top

    SINO SI MEBUYAN 2
    lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    Diwata siya na kapatid ni Lumabet
    Ang makapangyarihang Hari ng Langit
    Subalit siya’y nakaramdam ng galit
    Dahil siya’y inaaliping pilit

    Kung kaya’t si Mebuyan
    Kay Lumabet ay lumaban
    Sinabihang siya’y lilikas
    At sa kanyang sariling lakas
    Lilikha ng kaharian
    Sa ilalim ng lupa

    At habang siya’y umiikot
    Patungo sa pusod ng mundo
    Pinahulog ang mga dahon
    Mula sa isang malaking puno
    Bawat dahon na malagas
    At kandila na hihipan
    Isang palatandaang
    May maglalakbay sa kabilang buhay

    back to top

    RITWAL SA PAGPANAW
    lyrics: Geejay Arriola, Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    Gihatagan ko ni Manama gahum nga makakita
    Gahum nga makadungog sa ibabaw ug sa ilalum sa yuta
    Ayayayay

    Sama karon duna koy madunggan
    Usa ka kalag sa gingharian ni Mebuyan
    Usa ka kalag nga dili mahimutang
    Usa ka kalag nga mura na’g mabuang
    Ayayayay

    Dunay mga pangalan nga akong madunggan
    Shhhh…Ahhhh..
    Ayayayay

    back to top

    HINAGPIS NI MEBUYAN
    lyrics: Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola, Gauss Obenza

    Karugtong ng aking pusod
    Ba’t mo ako alipinin
    ‘Ramdam ko’y di tama
    Di kayang tanggapin

    Ano ano ano ano ano ano ano ano
    Ano ang nagbugso
    Ano ano ano ano ano ano ano ano
    Sa iyong palalong hangad

    Di ko mapapayagan
    Di dapat matupad
    Masakit man sa puso ko
    Aking hadlangan

    Ano ano ano ano ano ano ano ano
    Ano ang nagbugso
    Ano ano ano ano ano ano ano ano
    Sa iyong palalong hangad

    Ako’y may diwa’t damdamin dapat pagyamanin
    Di ko maunawaan, di ako kalaban
    Hangad na kapangyarihan mo’y di balak sapawan
    Diwa ko’y payak, puso ay busilak

    Karugtong ng aking pusod
    Sana ikaw ay magising
    Palalong mong hangad
    Ay dapat lagutin

    Paalam na, paalam na, paalam na, paalam na
    Mahal kong kapatid
    Ako’y tutungo, tutungo, tutungo
    Sa ibang daigdig

    Magiging tagapabatid sa kaluluwang di mapinid
    Ako’y kanilang tagamasid
    Nasasaktan ay hihilumin, katarungan lilinawin
    Bago umusad tungong langit
    Paalam mahal kong kapatid

    Paalam na, paalam na, paalam na, paalam na
    Mahal kong kapatid
    Ako’y tutungo, tutungo, tutungo
    Sa ibang daigdig

    back to top

    PAGLALAKBAY
    lyrics: Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    Tanggapin mo, tanggapin mo
    Tanggapin nating lahat
    Ang buhay ay paglalakbay
    Walang tigil ang hakbang

    Bawat patak ng dugo
    Bagong pulso
    Hinto ng pintig ng puso
    Bagong pulso

    Dawata, Dawata
    Dawaton natong tanan
    Kinabuhi pagpanaw
    Hataas ang dalan

    Ganon pa man ang ulirat
    Kailan man di maaampat
    Tuloy ang paglalakbay-
    Isang sulyap
    Sa isang buhay

    Dawata, Dawata
    Dawaton natong tanan
    Kinabuhi pagpanaw
    Hataas ang dalan

    Tanggapin mo, tanggapin mo
    Tanggapin nating lahat
    Ang buhay ay paglalakbay—

    back to top

    KALINGA
    lyrics: Malou Tiangco, Geejay Arriola
    music: Geejay Arriola

    Anak kaya, o kapatid
    Ako ngayo’y sa iyong panig
    Pakawalan bigat ng dibdib
    Ibuhos mo ang iyong hinagpis

    O hilom hilom hilom hilom hilom na

    Ako ngayo’y sa iyong panig
    Tayo ngayo’y isang bigkis
    Iyong iparinig
    Diwa mo’y ipahiwatig

    O hilom hilom hilom hilom hilom na

    Ang puso ko ay umaawit ng isang himig
    Sumasabay sa kumpas ng iyong dibdib
    Iyong mga iyak ay aking naririnig
    Tahan na, tahan na, tahan na

    Hehehe huhuhu hehehehe hehehehe
    hehe hu hehe hu hehe hu

    back to top

    AWIT NI DELIA
    lyrics: Geejay Arriola
    music: Gauss Obenza

    Ang akong kinabuhi
    Daklit lamang nga naglugti
    Amahan sa akong mga anak
    Maoy tinubdan sa kasakit
    Kay siya daw ang tag-iya
    Sa akong lawas ug kalag
    Dili ko mulaban
    Kay walay kapuslanan

    Sa kahadlok nga mawad-an kog kaseguruhan
    Giantos ang kasakit, bana giludhan
    Ulipon sa panimalay, dili musalikway
    Silbi sa kababainhan

    Asawa permeng daugdaugon
    Ang bana lang dunay katungod
    Wala koy kusog nga siya pakigbisogan

    Apan dili, dili sakto
    Nga yatak-yatakan ang atong dungog
    Magpakahilom na lamang
    Pakigbisog likayan
    Pasayloa ko, anak ko

    back to top

    HALAD
    lyrics: Geejay Arriola
    music: Gauss Obenza, Geejay Arriola

    Pagkatam-is sa kaniadto
    Sa mga sayaw, sa mga awit
    Sa mga huni sa kagabhion
    Sa mga hagikgik sa kabuntagon

    Tam-is ang kamatayon
    Kung kini gihalad
    Sa adlaw, sa bulan
    Sa bituon ug sa kalangitan

    Anaa sa kayutaan ang kaugmaran
    Sa paglihok ang kadaugan
    Ang kaugmaon anaa sa baruganan

    Tam-is ang kamatayon
    Kung kini gihalad
    Sa adlaw, sa bulan
    Sa bituon ug sa kalangitan

    back to top

    KAMATAYAN
    music and lyrics: Geejay Arriola

    Parang kamatayan ang paglisan
    Sa maraming taong nakasanayan
    Pero ano nga ba ang mas mabigat
    Ang mabuhay na parang patay
    O ang mamatay para mabuhay

    Malayo man o malapit
    May pag-asang sumisilip
    Bawat araw, may gabi
    Bawat luha may ngiti

    Ang kandila ng buhay
    Pag hinipan, mamamatay
    Humimlay ka sa dilim
    Pagka’t may araw pang darating

    back to top

    HALAGA NG BUHAY
    lyrics: Malou Tiangco
    music: Geejay Arriola

    Ano nga ba ang halaga
    Ano nga ba ang kahulugan
    Ng buhay natin ngayon
    Ito ba ay may tali
    Umiikot na may kirot
    Ito ba’y maluwag
    Na me dulot na haplos

    Malaya ba o sinisiil
    Malumbay o masaya
    Ano nga ba, ano nga ba, ano nga ba
    Ang halaga ng ating buhay ngayon

    May pintig nga ang iyong puso
    Manhid naman ang ulirat
    O mata’y di na kumukurap
    Pero diwa’y buhay na buhay
    Buhay na buhay

    back to top

    HULING LANDAS
    music and lyrics: Geejay Arriola

    Sa ating paglalakbay meron tayong kaakbay
    Kasama sa daan, daan, daan, daan, daan
    Aaaaay!Ay!

    Merong kaibigan, may magulang, may abyan
    May kapatid at may anak, may pamangkin at may asawa
    Aaaaay! Ay!

    Huwag matakot, huwag matakot
    Huwag kabahan, huwag kabahan
    Inyong kasama sa daan
    Ay buong daigdigan

    Huwag matakot, huwag matakot
    Huwag kabahan, huwag kabahan
    Inyong kasama sa daan
    Kaming lahat at si Mebuyan

    Patungo, patungo, patungo-aaaaay!
    Sa gimokudan
    Huling landas ng mahabang paglalakbay

    Aaaay!!!

    back to top