• Ili ili (Huwag Mangamba) :: Hiwaga ng Bata :: Munting Anghel ::
    Duyan :: Pangarap :: Awit ni Nanay :: Nandito Ako :: Nais Ko :: Bituin sa Langit ::
    Laylay (Suo Gan) :: Paroroonan :: Lukso, Sigaw, Sayaw

    Ili ili (Huwag Mangamba)
    (Traditional Hiligaynon Lullabye)
    Additional Music & Lyrics: Geejay Arriola
    Arranged by Geejay Arriola & Gauss Obenza
    Lead Vocals: Maree Contaoi, Geejay Arriola,
    Sheila Labos

    Ili, ili tulog anay
    Waay diri imo nanay
    Kadto tienda, bakal papay
    Ili, ili, tulog anay

    At sa iyong paglaki
    Buhay ay haharapin
    Bawat unos na darating
    Iyong yayakapin

    Mga landas na madilim
    Ay iilawan ng bituin
    Kinabukasan mo ay
    Iyong itatanim

    Huwag kang mangamba
    Ako’y iyong kapiling

    back to top

    Hiwaga ng Bata
    Music: Gauss Obenza, Geejay Arriola,
    Maia Tampoy
    Lyrics: Gauss Obenza
    Lead Vocals: Gauss Obenza

    Ang ngiti sa iyong pisngi
    Pinapakislap ng mga bituin
    Halakhak sa iyong dibdib
    Hinuhunihan ng hangin

    Haplos mong malambing
    Sinasayawan ng mga batis
    Mga titig mong salamin
    Kinukulayan ng bahaghari

    CHORUS
    Bata bata
    Tunay kang hiwaga
    Mundo’y pinasigla ng iyong
    kamusmusan

    Bata bata
    Ano ang iyong hiwaga
    Kay rami-rami mong kaibigan

    Sa pagkislap ng mga bituin
    Saya ay kakanlungin
    Sa paghuni ng hangin
    Damdamin ay liliparin

    Sa pagsayaw ng mga batis
    Puso ay sisisirin
    Sa pagkulay ng bahaghari
    Diwa ay yayakapin

    CHORUS 2
    Bata bata
    Ano ang iyong hiwaga
    Sa iyong murang gulang
    at kamusmusan
    Bata bata
    Ang iyong hiwaga
    Buong buhay kong talinhaga

    back to top

    Munting Anghel
    Music: Gauss Obenza, Maree Contaoi,
    Geejay Arriola
    Lyrics: Maree Contaoi
    Produced by Gauss Obenza
    Lead Vocals: Maree Contaoi

    Sa sinapupunan ko’y ika’y dama
    Bawat galaw mo’y aking tuwa
    Nagpupumiglas bukang-liwayway
    Ang unang tuklas

    Bawat pagsikat ng bagong umaga
    Iyong kaagapay sa paglalakbay
    Mundong kakaiba, kahanga-hanga
    Walang katanungan, walang kalituhan
    Walang nanghahadlang

    CHORUS
    Munting anghel, himala ng
    manlilikha
    Ika’y aking himig ng walang
    hanggang pag-ibig

    Sa kabila ng binging daigdig
    Puso mo ay hindi naging manhid
    Sinasalamin ang mga pangarap

    Hinahaplos ang lungkot na nadama
    Pinupunla ang pag-asang mamuhay
    Tulad ng iba nang walang
    alinlangan

    back to top

    Duyan
    Music & Lyrics: Geejay Arriola
    Produced and arranged by
    Geejay Arriola
    Lead Vocals: Geejay Arriola,
    Maan Chua

    Duyan, duyan
    Iduyan mo
    Pagod, pagod
    Nitong mundo

    At sa mapayapang gabi
    Binubulong ng bituin
    Ang iyong panaginip

    Haplos, haplos
    Haplusin mo
    Hapis, hapis
    Nitong puso

    At sa iyong paghimlay
    Iniilawan ng buwan
    Ang iyong pag-asa

    Tahimik ang paligid
    At sa aking pagmamasid
    Sa iyong mga ngiti
    Lumbay ko’y napapawi

    Duyan, duyan
    Iduyan mo

    back to top

    Pangarap
    Music & Lyrics: Sheila Labos
    Produced by Gauss Obenza
    Lead Vocals: Gauss Obenza

    Bawat likha ay puno ng pangarap
    Bawat galaw ay tuwa sa puso
    Bawat ngiti galak ang nadarama
    Bawat kislap ng mata ay dalisay
    Mga munting pangarap nais mong matupad
    Sa bawat hakbang mo ay kasama mo ako

    Bawat pagsubok magiging matatag
    sa karapatan
    Bawat sakit ay maghihilom din
    Bawat paglalakbay may aagapay
    Bawat lumbay may nagmamahal sa ‘yo
    Mga munting pangarap nais mong matupad
    Sa bawat hakbang mo ay kasama mo ako
    Abutin ang pangarap mo

    (Penpen desarapen de kutsilyo de alasen
    Haw haw de carabao de batuten)

    Itong aking pangarap, sa iyo’y inaalay
    Sa bawat paglalakbay kasama mo ako
    Abutin ang pangarap mo, pangarap mo
    (Para sa iyo, ang buhay ko)
    Para sa iyo pangarap kong ito

    back to top

    Awit ni Nanay
    Music & Lyrics: Maia Tampoy,
    Gauss Obenza
    Produced by Gauss Obenza
    Lead Vocals: Maia Tampoy

    Sa akong paghigmata
    Nagahilak ako
    Kauban ko ang duyan
    Way nagtabyog
    Ang huyuhoy sa hangin
    Mitaghoy sa dunggan
    Apan way laing musika nga
    Makahupay

    Kundi ang awit ni nanay
    Muhapyod ug musapnay
    Muhatag og kalipay nga tiunay

    Sa akong paghigmata
    Naglatagaw ako
    Gisubay ko ang dalan
    Nga way padulngan
    Ang pagsidlak sa adlaw
    Nawad-ag kahayag
    Walay pulos ang ugma
    Kung di makaplagan

    Ang awit ni nanay
    Iwag sa akong dalan
    Huni nga sa akong dughan
    gitipigan

    Lalalala….

    back to top

    Nandito Ako
    Music & Lyrics: Geejay Arriola
    Produced and arranged by
    Gauss Obenza, Paolo Sisi,
    Chico Zambrano
    Lead Vocals: Geejay Arriola,
    Maan Chua, Soleil Arriola

    Nang una kitang iduyan
    Sa aking sinapupunan
    Binubulong ko sa iyo
    Ang pag-ibig ko
    At ang pangarap kong
    Lumaki kang may dunong
    At katatagan

    At ang una mong mga hakbang
    Ay punong-puno ng kasiyahan
    Halakhak mong kay tamis
    Na sa pagod ko’y pumapawi
    Sa kislap ng iyong mga mata’y
    Magandang landas mo’y
    namamasdan

    Subali’t nasa’n ka anak
    Sa iyong landas na tinatahak
    Kinabukasan mo ay di tanaw
    May pangamba’t pag-aalinlangan

    Nandito ako
    Naghihintay ng yakap mo’t
    Sa iyong paalala
    Hanap ko ang pagtangi mo

    Pangarap ko’y
    Tila nilipad ng hangin
    Ako’y puno ng kawalan at pag-aalinlangan
    Uhaw sa pang-unawa mo

    Nais ko sanang
    Makapiling ka
    Sa bawat pagsubok
    Na dumaan sa buhay ko
    At sa aking paglalakbay
    Nawa’y ika’y aking kasabay
    Ramdam kong ako’y ligaw
    Kalinga mo ang aking ilaw

    Subali’t nasa’n ka anak
    Sa iyong landas na tinatahak
    Kinabukasan mo ay di tanaw
    May pangamba’t pag-aalinlangan

    Nandito ako
    (Nandito lang ako)
    Naghihintay ng yakap mo
    (Handang umunawa)
    Sa iyong paalala hanap ko ang pagtangi mo
    (Kahit di ko mawari ang landas mo)
    Nandito lang ako

    Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko
    Ang bawat hakbang ay tila tuliro
    Umiikot, umiikot nang walang tinutungo
    At nalilito, nalilito sa mundong kay gulo

    back to top

    Nais Ko
    Music & Lyrics: Maan Chua
    Produced by Gauss Obenza
    Lead Vocals: Maan Chua

    Ako ay si Nena, anim na taong gulang
    Nais ko lang sana maglaro at magsaya
    “Hoy Nena, magtrabaho ka muna!”
    ‘Yan ang sabi ni ina

    Alas singko pa ng umaga, ako ay
    gigising na
    Kasama si ama upang sa bukid ay mang-uma
    “Dali Nena, itugway ang kabaw!”
    ‘Yan ang sabi ni ama

    Habang ang ibang bata naglalaro’t nagsasaya
    Ako ay nasa bukid kasama ang kalabaw
    Nais ko lang madama ang pagiging bata
    Kahit minsan lang

    Maglaro ng piko, tumbang preso at
    bahay-bahayan
    Maligo sa ilog at damhin ang kalikasan
    ”Hoy Nena, magtrabaho ka muna!”
    ‘Yan ang sabi ni kuya

    Tulad ng ibang batang naglalaro’t nagsasaya
    Ako ay nangangarap na sila’y makasama
    Nais ko lang madama ang pagiging bata
    Kahit minsan lang

    Kahit sandali lang sa aking kabataan
    Kahit sandali lang sana ay pagbigyan

    back to top

    Bituin sa Langit
    Music & Lyrics: Geejay Arriola
    Produced by Gauss Obenza
    Lead Vocals: Maan Chua, Maia
    Tampoy, Maree Contaoi

    Bituin, bituin sa langit
    Pakinggan aking hiling
    Hangarin at damdamin
    Ililipad ng hangin
    Bituin, bituin sa langit
    Pakinggan aking hiling

    Mga bata
    Mga batang
    Humihimlay sa lansangan
    Ay bigyan niyo ng tahanan
    Pag-ibig na mauuwian
    Kaligayaha’y naghihintay
    Sa pintuan ng bukas

    Mga bata
    Mga batang
    Naglalaro sa lansangan
    Mga ngiti ay nangungusap
    Pagmamahal hinahanap
    Ang panaginip nilang makulay
    Sana’y marating na tunay

    Lalala….

    (*Ako si takuri
    Gamay ug daku
    Kini ang gunitanan
    Kini ang ipisan
    Kung pabukalon
    Mukulo-kulo
    Ihaon mo ako ug ibubo)

    Mga batang
    Nagsasayaw sa lansangan
    Kaligayaha’y naghihintay
    Sa pintuan ng bukas

    back to top

    Laylay (Suo Gan)
    (based on the Traditional Welsh
    song “Lullabye (Suo Gan)”)
    Lyrics: Robert Bryan (1800)
    Additional Lyrics: Geejay Arriola
    Produced and arranged by
    Geejay Arriola
    Lead Vocals: Maree Contaoi

    Sleep, my baby, on my bosom
    Warm and cozy, it will prove
    Round your mother’s arms are folding
    In her heart a mother’s love
    There shall no one come to harm you
    None shall ever break your rest
    Sleep, my darling babe, in quiet
    Sleep on mother’s gentle breast

    Sa mundo ng kaguluhan
    Ingay ng hidwaan
    Hahanapin katahimikan
    Sa lilim ng buwan
    Tulog na aking sinta
    Sa laylay ng mga kislap
    Ng bituin sa kalangitan
    Himig ng pangarap

    Sleep serenely, baby, slumber
    Lovely baby, gently sleep
    Tell me wherefore are you smiling
    Smiling sweetly in your sleep
    Do the angels smile in heaven
    When your happy smile they see
    Do you on them smile while slum’bring
    On my bosom peacefully

    Tayo nang maglakbay
    Sa mapayapang buhay
    Diwa ng kabukiran
    Ang siya nating gabay
    Ilang bundok man aakyatin
    Ilang ilog tatawirin
    Tapang at adhikain
    Ang maghahatid sa ‘tin

    back to top

    Paroroonan
    Music & Lyrics: Maia Tampoy
    Lead Vocals: Maia Tampoy

    Ang buhay kung minsan
    Ay hindi mo maintindihan
    Ang pagtakbo
    Payapang umaga’y
    Unti-unting dumidilim
    Ang pag-asa
    Sa hirap ng buhay
    Ay di mo malalaman
    Kung kailan sisikat
    Ang araw sa kalawakan

    CHORUS
    Ang bawat pag-agos
    Ng luha sa iyong mga mata
    May pag-asa
    Manalig ka lamang
    Sa ating tagapaglikha’t
    Kumapit ka
    Lilipas din ang ulan
    Na sa buhay ay nagdaraan
    At ang kadiliman
    Ay patungo sa liwanag

    Ang bawat paglalakbay
    Ay may patutunguhan
    Ang ilog at sapa
    Iisa’ng paroroonan
    Pagsubok ay harapin
    May bukas na kakamtin

    Harapin ang bagong buhay
    Pagsikat ng umaga
    Naghihintay ang bukas
    Na kay ganda

    Huwag sumuko, huwag magtago
    Mangarap ka, magsikap ka
    May sikat pa

    Oooh…
    May sikat pa

    back to top

    Lukso, Sigaw, Sayaw
    Music & Lyrics: Bayang Barrios
    Arranged by Gauss Obenza, Geejay
    Arriola, Maan Chua
    Lead Vocals: Bayang Barrios

    Lukso, lukso kabataan
    Patungo sa kalayaan
    Sigaw, sigaw kabataan
    Patungo sa kapayapaan
    Sayaw, sayaw bagong tribo
    Sisibol na ang iyong dunong
    Hawak-kamay na makisulong
    Katotohanan ang maghihilom

    Halika na, kulayan na
    Ang mundong may kadiliman
    Bigyan ng buhay
    Ipamahagi ang karunungan
    At galing na taglay

    Lukso, lukso kabataan
    Patungo sa kalayaan
    Sigaw, sigaw kabataan
    Patungo sa kapayapaan
    Sayaw, sayaw bagong tribo
    Sisibol na ang iyong dunong
    Hawak-kamay na makisulong
    Katotohanan ang maghihilom

    Halika na, sabayan mo na
    Yaman ng ating kinabukasan
    Yaman ng lahi
    Abot-kamay na ang pinapangarap
    At minimithi

    back to top